Mga kaibigan, did you know this?
Pag Permanent Resident ( PR ) ang application ninyo pa Canada, matagal ang paghihintay. Inaabot ng 4-5 taon. Mas mahaba pa ngayon dahilan sa pandemya na nagpabagal ng usad ng papeles.
Good news!
Immigration Canada realized the country needs more people sooner, not later and did something. Kaya noong Enero 2015, nag umpisa ang Express Entry program. As the word suggests, express means to expedite the processing.
Ginawa ito para mapabilis ang pagdating ng mga bagong residente sa Canada lalo na kung sila ay mga bata pa, may trabahong naka hanay halimbawa sa information technology (IT) o healthcare at may kamag-anak na nasa Canada.
Ilan lamang ito sa mga pangunahing puntos upang lumusot sa Express Entry. Sa paraang ito, ang paghihintay sa pag usad ng papeles ninyo ay mapapaikli.
Ang Express Entry program gaya ng dating PR application processing, ay nakabatay din sa puntos. Maximum points na posibleng makuha: 1,200 points. Kalahati nito – 600 points – manggagaling sa province sa Canada na inyong piniling pupuntahan.
Mula sa qualifications ninyo, minimum points: mga nasa 350-400. Kung makakuha kayo ng 600 points batay sa inyong qualifications, mas mahusay, ngunit bihira ito.
Ang Bound for Canada group ay maghahatid sa inyo ng maraming impormasyon at gabay patungkol dito.
Para sa karagdagang kaalaman, maki pag-ugnay o mag email sa admin@canadaboundcoaching.com